Gyahaha XD Not only three, I guess that was four or five. Kapag isinama
ko ung naunang elimination rounds and practicing days. Lol. Kasi may
mga moments din during those days eh. Kagaya na lamang noong
ikalabin-dalawang araw ng buwan ng Pebrero. Nagkaroon ako ng medyo
magulo ngunit maliit lamang na problema. Nangyari yoon matapos akong
makausap ng saglit ng isa sa aming mga guro. Ako'y lubos na
nagmamakaawa sa kanya na huwag na itong palakihin pa. Mabuti na lamang
at naayos itong kaagad. Yoon nga ay matapos ang aming praktis-praktisan
dahil wala nman kasi kaming napala. Ako'y lubos na kinabahan at ang
muhka ko ay halatang nalulungkot, kinakabahan, natatakot at problemado. Andoon si Anne at kung kaya't siya agad ang aking napagkuwentuhan kung
ano ang nangyayari sa akin ng mga panahong iyon. Nagulat siya at
tinanong ako kung ano ba daw talaga ang nangyari at kung sasabihin ko
raw ba sa aking pinakamamahal na boypren. Hindi ko maintindihan. Noong oras na para ibaba at ipila ang aming mga bag sa hagdanan
upang kami'y makauwi't makapagpahinga na, nakasalubong ko ang boypren
ko. "Naku, lagot. Anu ba yan? Bakit ngayon pa?" Ang mga salitang
biglang sumagi sa utak ko. Alam ko kasing kauusapin niya ako kapag
napansin niyang may tinatago akong problema. Tama ang kutob ko.
Tinanong ako ng aking boypren kung bakit. Hindi ako agarang makasagot.
Muhka nga akong tangga e. Kung ano-ano sinasabi ko pero hindi niya
naman daw maintindihan. Napayakap nalang ako sa kanya. Pumasok kami sa
silid aralan upang walang makakita sa amin. Naroon rin sa loob si Anne
at saka si Cots. Malapit sila sa lamesa ng aming gurong-tagapayo.
Pumwesto ako sa ibabaw ng lamesa habang silang 2 ay nagpipilit na
sabihin ko kung anung sabi ng boypren ko. Hindi ko rin sila masagot.
Tutal ay nalulungkot nga ako, hindi ako nakuntento sa aking mga
kaibigan. Nung makita ko ang aking boypren habang ako'y kinakausap ng
mga kaibigan ko, lumilipad ang utak ko. Bigla nalamang ako pumunta sa
aking boypren at niyakap ko siya. Kahit hindi namin pareho maintindihan
kung ano na ba talaga ang nangyayari. Pumasok ang aming gurong-tagapayo at natawa siya. Siguro ay
nagulat sa kaniyang nakita. Kaming 2 pa naman ang nasa tapat ng pinto
kaya't kita mo agad sa iyong pagpasok. Ang sabi niya ay itigil daw nmin
iyon at baka may ibang titser na makakita. Itinigil na nga namin iyon.
Kinabukasan ay okey na ang pakiramdam ko dahil panatag na ako sa
napagusapan namin ng gurong iyon. Ang gulo e noh. Matapos iyon ay nagsimula na ang mga laro. Sa laro nga ng basket ball ay napulikat siya. Ang iba pang mga detalye ay mababasa niyo sa isa ko pang entry ng blog. Naikwento ko na rin ang unang araw at ang ikalawa. ang pangatlo ay medyo hindi okay ang simula pero lambing parin. Umaga pa lamang ay puno na ng pagaalala ang loob ko ngunit hindi ako nagpapahalata. Iniisip ko kasi ang mga mangyayari sa aming dalawa. Nagkaroon kasi kami ng malaking problema. Habang nagpaplag seremoni kami ay hindi parin ako ngumingiti. Nakasimangot at hawak-hawak ko ang kwintas na ibinigay niya sa akin. kumbaga eh, nagrerecall ako ng aming mga moments. Toinksz. Matapos iyon ay naghahanda na ang mga teams para sa mga matitinding laban. Isa na doon ang Volleyball boys. Kalahok ang aking boypren doon. Habang nagiintay sa pagsisimula ng laro ay kasama ko siya sa loob ng maluwag at tahimik na kuwarto. Ako, siya at si Nicole. Nagtititigan lang kami doon at halos hindi na rin humihinga. Nagiisip kasi ako ng malalim eh. Tinawag siya ng isa niyang kateam at magsisimula na daw. Una ay pumunta siya ngunit ay nagbalik agad. Andun ulit kmi sa ganoong lagay. Bumalik muli ang kanyang teamate. Ang sabi ng boypren ko ay kaya na daw nila yon at para bang ipinahihiwatig na hindi na siya sasali muna. Hindi naman ako pumayag na ganoon ang mangyari. Ayaw niya parin tumayo. Tumayo ako at pumuwesto sa likuran niya. Hawak ang aking kamay, pinatatayo ko na siya sa kaniyang kinauupuan at sinasabing kailangan niya maglaro. Ang ilang 'bahala ka iiwan na kita dito magisa ka' ay nakapagkumbinsi sa kanya na tumayo. noong magsisimula na ay nakahanap agad kami ni Nicole ng mauupuan. Lumapit sa akin si Tuts at pinahawak ang kaniyang panyo at 'baller' ata ang tawag doon. Matapos ang laro ay ibinalik ko sa kaniya ang panyo ngunit hindi ang baller. Makalipas ang ilang oras ng panunuod ng volleyball kasama siya na pinapayungan ako, umalis na rin kami at lumapit sa aming mga kaklase dahil PDA na kme. nagkahiwalay kami ng landas noon. Si KS ay nagkaroon ng appointment. Nadamay silang lahat at kakaunti lamang kaming hindi naimbita. Tinatawanan namin siya sa 'di kalayuan. Kulang nalang daw ay tungkod. Nakashades kasi at nanlilimos. Haha XD Tin, no offense! Ayon, nung andon na sila sa conference room, nakatambay lang kami sa may kantina. Pinaguusapan namin yon. Yung tungkol don sa appointment nila. Umupo sa tabi ko si DaDa tapos ninanakawan ko siya nung Nova. ^^