25th ata to ng Feb. Basta nung hapon, awarding na. Habang primary palang ang pinagtutuunang pansin, kausap ko si Anne. Dinadramahan ko. BlahBlahBlah. Englsh pa nga eh. ^^ Tapos ayun, nakakuha si boypren ng awarD. Iniisip ko kung maiisip niya ba na ibigay sakin yung medal niya. Hindi ko na sana gagawin pero dahil pasaway at demanding ako, hinigi ko kahit hindi dapat.
Nung nasa service na, nagiisip nako ng super lalim. Di mo kaya languyin. Iniisip ko parin kung gagawin ko o hindi na. Pero it's Now or Never. Kaya nung nakakuha ako ng tyempo, ginawa ko na. Dumaan si Jho at sinabi kong sabihin niya yon sa boypren ko. Na gusto ko sana hingiin.
Nakita ko na siya papalapit sa akin. Iniabot ang medal, pero hindi ko kinuha. Sa halip, bumaba ako ng sasakyan at sinabing, "Isuot mo naman saken, nu ba yan .. " EEEW. Ayon tapos niyakap ko siya at binulungan ng munting mga salita. "Thank You.Congrats" Sumakay na ko ulit. Tapos umalis na.
'Di nagtagal ay ibinalik ko sa kanya yon. Ngunit hindi sa kadahilanang natauhan ako na dapat ay hindi ko hinigi at inangkin pero dahil nanalo siyang muli.
BEST BOYFRIEND EVER AWARD
Nung una'y ayaw niyang ibalik ko ngunit ng aking sinabing iba na yon ay tinanggap niya na. Hawak ang ilang daliri ko, tiningnan niya ang nakasulat sa likod. Lumipat ako doon kina JR, sa kabilang panig ng service, hindi ng mundo. Niyakap niya ko mula sa likod at tinanong, kanino ko daw nakuha yon. Nakalimutan ko sabihing kanya yon.
Dahilan narin na isa na yon sa mga huling araw ng pagkikita, niyakap ko xa ng matagal na matagal. Mamimiss ko kasi talaga yung mangyan na yun. Naiisip ko nga, sana hindi na tumakbo yung oras. Sana dun na lang ako. Sana palagi ko nalang siya kasama. Mahal na Mahal ko talaga.
Ayon. Aalis na kasi kami. Sumakay nako. Pero meron paring LAST GLANCE nung araw na yun. --