Saturday, 11 July 26, 5:56 PM
iMiss moi one and only. XCC

Site menu

Main » 2009 » March » 24 » Permission
Permission
12:51 PM
       Feb 26 2009
       : entry from original copy

       Kasi ganito yon, yung project namin sa MAPE na kantahan ay ginanap sa AVR. Second day yon. Nung simula ay OK lang ako pero di nagtagal, medyo nalungkot ako, senti? Parang. Kasi nung kinanta yung Breathless, My Happy Ending, Only Hope, Greatest love of all saka When You look me in the Eyes, naging ganun nako. Pinapakinggan ko kasi yung kanta, yung bawat linya. Nakakarelate ako. Andun lang kami ni KS sa sulok. Paglabas namin upang magsapatos na ay tinanong ako ni Dhon kung umiyak ako, sabi ko ay 'di naman maxado. 'Di na niya narinig yung sagot ko kung bakit eh. Basta bumalik nalang ako sa room. Umupo nalang ako, tas emo-emohan. Instead na sumabay na siyang kumain kina Dhon ay andun xa, sa tabi ko.

       Tinanung ako kung bakit. 'Di ako makasagot. Basta nangungulit lang xa. Alam ko gutom na xa nun kaya pinapalabas ko na xa. "Sige na, lumabas ka na, kumain ka na muna." Habang sinasabi ko yun ay sni-sway ko yung tuhod niya. Pero sabi niya sa akin ay "Bakit muna?" Kinalog yung braso ko. Karma? Xx.Haha.xX Tumayo nalang ako at wari'y di siya nakikita. Ginawa niya na naman. He grabbed my arms.

          Anu ba?!
          Bakit nga kasi!

       Naglakad ako patungo sa pintuan ng silid-aralan. Doon ay sari-sari ang mga nangyari. Meroong tinutulak ko siya palabas gamit ang ulo ko at siya namang lumalaban at umaatras. Meron ding nakatayo lang kami sa harapan ng ilang kaklase na nakasandal sa pintuan. Nang napalabas ko na siyaay ayaw paring umalis. "Umalis ka na, please?" Asar ako sa sagot niya eh. "NO."

       Meron pang mga linya na "Anu to, convinience store?, 24 hrs?" .. "Sige na, bumalik ka nalang mamaya," "I shall return. May one last glance pa oh. Sa wakas napalayas ko rin. Maya-maya muli xang nagbalik. Noong una'y di ko xa pinapansin. Pinalalabas ko xang muli at tinutulak sa pinto, o tinutulak palabas ng pinto. Nang hawak ko na ang doorknob ay sinandalan niya ang pinto't di hinayaang mabuksan ko.

       Tskkkkkk.
       Ganoon na lamang ang reaksyon ko. Sumandal narin ako sa pinto. 'Di nagtagal gumalaw na kami. Sabi nga sa kanta,

        I'm falling even more in love with you
        I'm Letting go of all I've held onto
        I'm standing here until you make me move
        I'm hanging by a moment here with you
        I'm living for the only thing I know
        I'm running and not quite sure where to go
        And I don't know what I'm diving into
        Just hanging by a moment here with you

        Inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at pagkatapos ay inakay ako patungo sa harap niya. Nung andun na ko, nakatungo lang ako't di siya tinitingnan sa mata. Itinaas niya ang muhka ko sa paraang paghawak sa chin ko. tapos parang ikikiss style pero hindi. lolssss. Sigaw nga sila eh.
Bakit nga kasi? Yun lang sinasabi niya. Hinid ako sumagot at muli nalang sumandal sa pintuan. Yung kamay ko, na kalapit ng sa kanya ay pinaguusapan nila KS. "Yan na oh. Yan na, bagal." Nang nawal sa amin ang attention nila, hinawakan na niya ang kamay ko. 'Di na ako nagpaligoyligoy pa. Sinabi ko na sa kanya ang dahilan kung bakit ako umiyak.Ibinulong ko lang sa kanya yon. Inilapit ko o mas malinaw kung idinikit ko ang pisngi ko sa pingi niya at sinabing "Mamimiss kita." Pagkatapos nun ay humarap ako sa kanya hawak parin ang kanyang kamay, sinabi ko, "ako? Mamimiss mo ko?" Oo daw. Tinanong ko xa kung paano pag nalaman ko na may iba na xa. 'Di xa nakasagot kadahilanan ng pagdaanan ni Mommy Mitch kaya kailangan itigil  (PDA). Pause Muna. Sumunod ako sa labas, kina KS. Yun pla ay nasa likod ko na xa. Pumasok kami muli at doon ay tinanong niya ako kung ano yung sinasabi ko kanina daw. Kung  pano daw ba pag nalaman kong may nililigawan siyang iba. Nirephrase ko lang ulit.

       'Di na naman siya nakasagot kasi dumating na si Ms Yvette. Dismissal na ng magdikit kami. Nagkasuap kami sa serbis. Sabi ko hindi niya pa sinasagot yung tanung ko. Sandali lang daw, magbababa lang ng bag. Pagbalik niya ay umupo xa dun sa grass. Lumapit ako't tumayo sa likod niya. Muling pinaglalaruan ang ulo niyang parang ewan. "Sagutin mo na." Tumayo xa at xa namang nasa likod ko. Sumingit yung baboy kong kapatid. Humihingi ng piso. Pangscratch ng card. Nang lumayo xa sandali, bumalik eh, epal. Binabalik yung piso. Ayaw naman kunin ni Tuts. Tinulak ko nalang xa para umalis na.

       "Oh, anu na?"
       "Sagutin mo na."
       "Wala naman eh."
       "Oo. Ngayon wala. Pero somewhere in the future?"
       "Magpapaalam muna ako sa'yo. Kasi alam kong ayaw             mo."

       Natawa nalang ako't 'di nakasagot.


P.S. Nakalimutan ko isulat yung eksena na nag peek-a-boo kami. Kasi tumitingin xa sken, naiinis ako. tinatakpan ko yung mata niya. ^^

Page copy protected against web site content infringement by Copyscape
Views: 658 | Added by: tertinhart | Rating: 0.0/0 |
Total comments: 0
Name *:
Email *:
Code *:

Login form

Welcome Guest!

Calendar

«  March 2009  »
Su Mo Tu We Th Fr Sa
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031

Search

Site friends

Copyright MyCorp © 2026

Free website builderuCoz


Total online: 1
Guests: 1
Users: 0