Argh! Naiinis ako! Nagtitimpi lamang ako. Pilitin ko mang alalahin ay hindi na talaga makita pa ng utak ko ang nangyari noong nagdaang araw. Hindi ko maalala kung kailan at anong araw naganap ang mababasa mo. BLAHBLAHBLAH. May nakasulat pa sa papel na pero 'di ko na sinulat dito. lang kwents naman. ►►. Gameee. ------------------------------------------------- Sandali, pansinin niyo muna na matapos ang break-up nung 24 ay palagi na sa service ang moment.
Friday Cleaner siya. Uwian na nung siya ay magsimulang naglinis. Kukunin ko na ang gamit ko. Lumabas siya. Nakatingala, sabi ko, "Bakit po? May kailangan kayo?" Ngiti nalang. Binuhat niya ang bag ko at di na muling bumalik sa klasrum para tumulong sa pglilinis. Kami kami parin ang magkakasabay, Ako at si Tuts; si Chai at isa o dalawa pang nilalang. Pagdating ng serbis ay tinanong ko siya kung lilipat siya. Ewan, di niya pa daw alam. Sabi ko wag na siya lumipat eh. Dun nalang siya. Di niya daw mapapramis. Sumaglit siya sa serbis nila tapos pagbalik ay nagngitian kami. Sa kadahilanan na sinabi niyang, "Tara, Guardhouse." Isang katagang nakakainis para sakin. May ngiti para sa aking mga labi, parang hindi ko siya narinig. Inulit niya ang nakakainis na kataga, inakbayan ako, magkasabay kaming pumunta don.
Pagdating sa guardhouse, sinasabi ko paring wag na xa lumipat.Makulit ako eh. Paulit-ulit ako. Tinanong niya kung saan ako lilipat ngunit wala niisang bahagi ng pangalan ng paaralan ang nabanggit ko. Magagalit kasi si Mama. Sa pagpipilit na sabihin niya kung lilipat siya o hindi, sinuntok ko siya sa tiyan pero super hinaaaa. Gumati si Lolo, kiniliti ako?! "Ano, laban ka pa?!" *Tawa* Kunayari magwo-walk out, napatigil ako nang sabihin niyang lilipat na daw xa(alam kong binibiro lang ako nun). Tinuloy ko ang Walk-out drama ko. "Sige lumipat ka, dun ka na." "O, tekaa, binibiro lang eh." Sumunod siya sa akin tapos parang he's getting me, he grabbed my arms, pinipigilan? Like, a funny argument? With lines of, "Lumipat ka na, OK lang naman sken eh"; "Ayoko na makita yang pagmumuhka mo"; "Lumipat ka na ah. Pag nalaman kong andito ka pa.." Ganun. Sabi niya naman, "OK lang daw.. Sus. Tapos mamaya iiyak ka,"; "Sus.." Nang makabalik sa serbisay makulit parin kami. Andun yung iba niyang barkada. Pinapasakay na ako pero ayaw ko pa. Nakatayo lang ako dun.
Nasa likod ko xa, tas biglang hinawakan niya yung mga kamay ko. itinaas niya ito at para bang yung sa Titanic? Inulit niya yon. Ilang sandali pa'y sumakay na ako sa sasakyang maghahatid sa akin sa muti kong lungga. Nang ako'y naghahanap ng mauupuan, pinapaurong ko si Faith, isang Kinder na shy-type. Deadma lang ako. *sigh* Ang cute naman ng anak ko, sabi kong ganun. Pagsakay ko ay sumilip siya sa pintuan ng service. "Tingin nga kayong dalawa sken(ako&si Faith). Mas cute siya, si Faith." Sabi ko sa kanya, "Sige na dun ka na sa bago mong skool." Nagbibilang na yung tagabuhat ng bag namin. Kulang pa kasi kami. Sabi niya, ".. 11,12 .. Sino pa ba wala?" "Ako! Ako nalang isama niyo! Ako nalang yung pang13!" Sabi ni Tuts ko. Ang kulet. Sumakay pa nga siya sa service eh. Sa gitna ko at ni Faith.
"Wow ang sikip!" Hay. Ewan ko sa kanya. Bumaba na siya, ibinalik ko kung topic. Nabanggit kong muli ito. "Bakit?" sabi niya. "Eh kasi! 'Di na kita makikita!" sabi ko.
"Ang init, ang init." Yun yung madalas kong marinig. Basta may sinabi siya na nainis ako. Sinabi ko nalang na maxadong mainet at kailangang isarado yung bintana. Eh hindi ko masara, weak daw ako. Hahaaa. Ang hirap nman kasi. Aalis na kmai. Tatawid narin sila. Dun sa may gate, isang malakas na BABAY ang nagpaalam sken.
MGA NAKALIMUTAN KO. -------------------------------------------------
1.) Nakita ko yung balat ng M&M's sa bulsa ng blouse ko tapos pinakain ko sa kanya yon. ^^V
2.) Inunahan niya ako sa pagsakay sa service. "Sige na pumunta ka na sa bago mong skool, dun ka na." Sabi niya, "Saan? Saan?"
3.) Nang-aasar siya kasi akala namin ay sa FX kami ni Chai. Wala kasi yung Green van. Kinakanta niya yung lines sa kanta ng PediCab .. "Sa FX. Sa FX." Dun daw ako sa FX sabi niya. Ewan ko kung sumagot ako ng "Sige, Ikaw magdrive." At ewan ko rin kung sumagot siya ng "O sige, tara." EWAN KO.